QUEZON - Patay ang dalawang lalaking menor de edad at isang laborer at anim ang sugatan nang mahulog sa sapa ang sinasakyang jeep sa Sitio Matalhan, Barangay San Nicolas, Macalelon, nitong Sabado ng hapon.

Kinilala nina Police Executive Master Sergeant Jennifer Panganiban at Staff Sergeant Jaymar Peria, ang dalawang menor de edad na sina Markus Orillenida, Noel Orillenida III, at Melvin Villaraza, 42, pawang taga-Brgy. San Nicolas, Macalelon.

Dead on the spot ang dalawang menor de edad habang si Villaraza ay binawian ng buhay sa Gumaca District Hospital.

Kaagad namang isinugod sa nasabi ring pagamutan sina Noel Orillenida II, 41, driver; Nelanie Orillenida, 36; Reggie, menor de edad; Mark Anthony Abarico, 28; Franjelo, menor de edad, at Romnick Crespo, 24, at pawang taga-Brgy. San Nicolas.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa report ng pulisya, hindi nakontrol ng driver ang sinasakyang jeep (DNJ-121) pagdating nila sa pababang bahagi ng kalsada dakong 3:00 ng hapon hanggang sa dumiretso ito sa sapa.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, multiple physical injuries at damage to property laban sa driver.

Aaron Recuenco at Danny Estacio