Nag-uumapaw sa kilig ang episode ng Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, Marso 31, matapos ibahagi ng aktres na si Ysabel Ortega ang mga dahilan kung bakit mahirap na hindi mahalin at tanggapin ang panliligaw ng gwapong aktor na si Miguel Tanfelix sa kaniya.

Sinabi ng aktres, kasalukuyang "nililigawan" din ni Miguel ang kanyang ina.

Aniya, “We know naman na ‘pag kunwari, nanliligaw ka sa isang tao, it really takes time. And time is the best way to get to know a person.”

"I think yung ginagawa ni Miguel is to show my mom who he is, kung ano ang intention niya sa 'kin, and at the same time, susundin niya conditions ko. Na kung mamahalin mo ko, mamahalin mo rin mga nasa paligid ko. He's showing that, proving that day by day," saad ng aktres.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Dagdag pa ni Ysabel na napag-usapan na nila ni Miguel ang tungkol sa kanilang mga nakaraang relasyon.

"Wala siyang tinago,'' sey ng aktres.

Sa isang bahagi naman ng interbyu, tinanong ni Tito Boy ang aktres: “Bakit dapat tanggapin na ni Michelle at ni Daddy Greg si Miguel Tanfelix bilang isang boyfriend?”

Ito naman ang sagot ng aktres:

"Una, Miguel is a gentleman. He's loving, he's caring."

"Pangalawa, aalagaan niya ko. Inaalagaan niya ko."

"Pangatlo, it’s hard not to love Miguel. There’s nothing na hindi mo dapat imahal kay Miguel."