Umabot na sa ₱35.84 bilyon ang kabuuang koleksyon ng Workers' Investment and Savings Program ng Social Security System (SSS) mula sa mga miyembro nitong nakaraang taon.

Sa pahayag ni SSS president, chief executive officerRolando Ledesma Macasaet, dumoble ang savings collection mula nang ilunsad ang programa nitong 2021.

“From January to December 2021, we initially collected P15.48 billion. In 2022, the savings collection grew by 31% to P20.4 billion which brought the total WISP contributions to P35.84 billion,” paliwanag ng opisyal.

Ang nasabing halaga, ayon sa SSS, ay nakolekta mula sa 4.9 milyong miyembro nito sa ikalawang taon ng implementasyon ng programa.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Idinagdag pa ni Macasaet na layunin ng programa na mabigyan ng magandang retirement package ang mga SSS member, bukod pa sa regular na SSS benefit.