Tila may patikim ang Ultimate Multimedia Star na si Toni Gonzaga sa kaniyang recent Instagram post kasama ang American actress na si Vanessa Hudgens.

"The Philippines loves you @vanessahudgens! What a blessing it is to meet a unique and beautiful soul!" saad nito. sa kaniyang IG post nitong Biyernes, Marso 31. 

View this post on Instagram

A post shared by Toni Gonzaga-Soriano (@celestinegonzaga)

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Bukod sa IG post, nagpost din sa Instagram story si Toni.

Dahil sa mga nasabing post, maraming netizens ang nagsabi na baka mag-guest nga si Vanessa sa Toni Talks. 

Samantala, sa Instagram story ni Alex Gonzaga, nabanggit niya na "natuloy" ang interview ni Toni kay Vanessa. Sinabi niya raw kasi sa ate niya na isama siya kung sakaling mainterview nga nito ang American actress, nagulat na lang daw siya na nagpost na ito ng picture sa IG.

Gayunman, wala pang kumpirmasyon kung mag-guest nga si Vanessa sa Toni Talks. 

Noong Huwebes, iginawad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Global Tourism Ambassador Award kay Filipino-American actress Vanessa Hudgens sa ginanap na courtesy call sa Palasyo.

Ang parangal ay iginawad kay Hudgens bilang bahagi umano ng hakbang ng pamahalaan upang “ipakilala ang Pilipinas bilang pangunahing pandaigdigang destinasyon para sa pamumuhunan at turismo”.

Kasama sa mga naging panauhin sina Presidential Adviser on Creative Communications (OPACC) Paul Soriano at Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Frasco.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/03/30/pbbm-iginawad-ang-global-tourism-ambassador-award-kay-vanessa-hudgens/