Tila mag-bessy ngang tunay sina Issa Pressman at Julia Barretto kung saan naispatan na todo-suporta ang celebrity sister sa bagong bukas na negosyo ng aktres.

Sa kaniyang Instagram kamakailan, naispatang present si Issa sa opening ng bagong swimwear line ng aktres sa ilalim pa rin ng unang napundar na The Juju Club.

“Juju swim just launcheeeed 🤎🌞 congratuammmalations juju,” sey ni Issa sa serye ng mga larawan nila ng aktres.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Iflinex na rin ng personalidad ang produkto na suot niya mismo sa mga larawan.

“My girl,🤎” sey naman ni Julia B sa kaniyang comment sa post ni Issa.

Tila kebs naman na ngayon sa bashers ang celebrity sister na matatandaang naging usap-usapan online matapos ang tila paglantad na nila ni James Reid bilang magkarelasyon na chika ng netizens, dahilan daw noon ng hiwalayan ng power couple na sina James at ex-girlfriend na si Nadine Lustre.

Basahin: James Reid, pinili si Issa Pressman, nalagasan naman ng 40,000 followers sa Instagram – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matapos nga ang paghupa ng kontrobersiya ay lalo lang ang unti-unting pag-flex naman ni Issa sa kaniyang rumored boyfriend sa Instagram.

Basahin: ‘Sey mo, James?’ Issa Pressman, ibinalandra ang kaseksihan – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid