Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na magpapahinga siya sa darating na Mahal na Araw kasama ang kaniyang pamilya.

Sa panayam ng mga mamamahayag sa Bataan, ibinahagi ni Marcos ang plano niyang magpahinga sa susunod na linggo, tulad daw ng ginagawa niya taun-taon.

"Ako simple lang, I'll do what I do every year. I go into retreat for a few days, and then I'll spend Easter with my family," ani Marcos.

Siniguro naman ng pangulo na nakahanda ang pamahalaan sa parating na Mahal na Araw.

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

"We have to make sure that everybody's comfortable, that they can get to where they want as quickly as possible," aniya. "Sa palagay ko naman nakahanda naman kami.”

Nito lamang Biyernes, Marso 31, inanunsyo ng Malacañang na gagawing half-day na lamang ang trabaho sa government workers sa Miyerkules, Abril 5.

BASAHIN: Pasok sa gov’t offices sa Abril 5, suspendido na! — Malacañang

Dineklara ring opisyal na holiday ang Abril 6 at 7, alinsunod sa pagdiriwang ng Mahal na Araw.

BASAHIN: Malacañang, idineklara ang Abril 6, 7 bilang regular holiday