LINGAYEN, Pangasinan -- Idineklara na ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang full alert status para pagpasok ng Holy Week.

Mahigpit na babantayan ng PDRRMO ang mga beach sa lalawigan upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga lokal at dayuhang turista.

Gaya ng inaasahan, ang mga tauhan gayundin ang mga lokal DRRMO sa lahat ng munisipalidad at lungsod ay mananatiling mahigpit na magbabantay sa iba't ibang beach at tourist spot para sa pagdiriwang ng Semana Santa, Pista'y Dagat, gayundin sa summer season. 

Target ng ahensya ang zero-drowning incident sa panahon na ito gayundin sa summer season ngayong taon.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar