Aliw na aliw ang netizens sa Facebook post ng online seller-komedyanteng si Daisy Lopez a.k.a. "Madam Inutz" matapos niyang sabihing balak daw niyang tapatan ang mga panindang soaps ng dalawang magkaribal na beauty product CEOs na sina Rosemarie Tan Pamulaklakin o Rosmar Tan at Glenda Victorio.

Si Madam Inutz kasi ay online seller na rin ng mga produktong pampaganda. Si Rosmar naman ay may beauty soap na "Kagayaku" at si Glenda naman ay "Kayakukayamu."

Anang Madam Inutz, "SI ATE ROSMAR ME KAGAYAKU AT SI MAM GLENDA ME KAYAKUKAYAMU. MAGLABAS KAYA AKO NG KINGINAMU SOAP. Charroootttt."

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Sumikat si Madam Inutz sa online selling world dahil sa kaniyang kakaibang paraan ng pagbebenta lalo na noong kasagsagan ng lockdowns.

Dahil sa kaniyang kasikatan ay naging daan ito upang unti-unti ay makapasok siya sa showbiz, hanggang sa maging celebrity housemate sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 celebrity edition noong 2021.