San Fernando, Pampanga -- Hindi bababa sa 143 mass base supporters at mga dating miyembro ng CPP-NPA ang nag-withdraw ng kanilang suporta sa communist group.
Nanumpa rin sila ng katapatan sa gobyerno sa Police Regional Office 3 Makatao Activity Center, Camp Olivas, San Fernando City, Pampanga nitong Sabado, Abril 1.
Nagsagawa ang awtoridad na special intelligence operation na nagresulta sa pag-withdraw ng mass base supporters at mga dating miyembro ng CTG.
Nagsagawa rin ang mga operating unit ng social investigation at dayalogo sa mass base supporters at tinalakay sa kanila ang programa ng gobyerno tungkol sa pagwawakas sa lokal na terorismo.
Ang highlights ng aktibidad ay ang pamamahagi ng mga sako ng bigas mula kay Gapan City Mayor Joy Pascual, pagbibigay ng testimonya ng mga dating miyembro at pagsuporta sa gobyerno.