Umani ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang kamakailan naing-tip ng Youtuber na si MrBeast sa isang waitress na isang kotse.

Sa isang sa viral video, makikitang nagtanong si MrBeast sa isang waitress sa isang lokal na kainan kung magkano ang pinakamalaking tip na natanggap niya, na sinagot naman ng babae na, nasa 50 dollars.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Matapos ay tinanong siya ni MrBeast, "May nag tip na ba ng kotse?, " sabay abot sa waitress ng susi ng isang itim na Toyota vehicle.

Sa sobrang shookt ay hindi agad naniwala ang dalagita kung kaya’t dinala ito ni MrBeast sa garahe at ipinakita sa kaniya ang bagong-bagong kotse na ibibigay ng Youtuber sa kaniya. Makikita rin ang Feastables emblem ni MrBeast na chocolate company na naka-imprint sa gilid ng kotse.

Naiyak sa sobrang tuwa ang dalagita at sobra-sobra naman ang pasasalamat sa Youtuber dahil sa ginawa nito.

Si Jimmy Donaldson o mas kilalang “MrBeast,” ay may kabuuang 139 milyong mga subscribers at ito ang pinaka maraming followers sa YouTuber sa buong mundo