Ultimate fangirling ang “Dirty Linen” star na si Jennica Garcia matapos ang pinag-usapan at kinakiligang reunion ng ex-celebrity-couple na sina Heart Evangelista at Jericho Rosales kamakailan.

Kasunod ng reunion ng starmaker at consultant ng GMA Sparkle Artist Center na si Mr. Johnny Manahan o Mr. M sa kaniyang mga dating alaga at homegrown talents ng Star Magic, ang talent arm management ng ABS-CBN, naispatan ngang present dito sina Bea Alonzo, John Lloyd Cruz, Maja Salvador, Piolo Pascual, Diether Ocampo, Kyle Echarri, at ang mag-ex jowang sina Heart Evangelista at Jericho Rosales.

Basahin: Mag-ex na Heart at Echo, muling nagkita; Mr. M, nakipag-reunion sa mga alaga – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ikinaloka naman ng marami ang up-close na interaction nina Heart at Echo sa mga larawang ibinahagi online. Anang maraming netizens, may sparks pa rin ang dalawa kahit may kaniya-kaniya nang buhay may-asawa.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Isa sa nawindang sa unexpected reunion ang celebrity mom na si Jennica na umabot pa sa kanyang Facebook post ang kilig.

“JUSKO!!!!” na-excite niyang reaksyon sa reunion photos ng dalawa.

“Everybody now: ‘Ikaaaw pa rin, ang hanap ng pusong ligaw... Mula noon, bukas at kailanman.’ EME,” dagdag na hirit ng “Dirty Linen” star sa kaniyang post na hango sa kaniya ni Jericho na “Pusong Ligaw.”

Aniya, makalipas ang maraming taon ay hindi maikakailang “may pa spark rin” ang dating power couple.

Napakalkal din ang aktres online sa dating larawan ng dalawa matapos maaalala ang kulay ng lipstsick noon ni Heart habang karelasyon ang aktor.

"Hindi pa rin ako nakaka-move on sa favorite na dark red, velvet lips madalas ni Heart nung sila pa ni Jericho. Hinanap ko pa talaga sa Google mhie!!! Panday days ito my gulay talaga. I KENAT!" sey ng celebrity mom.

Samantala, kapansin-pansin naman ang paghirit ng netizens ng comeback project ng dalawa.

Si Heart ay going strong bilang misis ni Sen. Chiz Escudero habang happily married naman sa modelong si Kim Jones si Echo.