Isa pang Kadiwa ng Pangulo (KNP) ang inilunsad ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Limay, Bataan nitong Biyernes.

Layunin nito na maisulong ng administrasyon ang abot-kayang presyo ng agricultural products na mapakikinabangan ng publiko.

Sa nasabing pagkakataon, binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng pag-suporta sa mga magsasaka, mangingisda, at maliliit na negosyo, na kritikal sa food supply chain ng bayan.

Dagdag pa ng punong ehekutibo, mas pararamihin pa ng pamahalaan ang KNP sa bansa upang mapakikinabangan ito ng lahat.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Kasama rin ng Pangulo ang mga opisyal ng iba't ibang ahensya ng gobyerno na kinabibilangan ng Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Labor and Employment.