Itinaas na sa ₱1.1 milyon ang iniaalok na pabuya ng gobyerno laban sa lalaking pumatay sa isang estudyante ng De La Salle University (DLSU) sa Dasmariñas City, Cavite nitong Marso 28.

Sa Facebook post ni Cavite 4th District Rep. Elpidio Barzaga, Jr. nitong Huwebes ng hapon, dumagdag sa unang alok na ₱600,000 na pabuya (₱300,000 mula kay Cavite Governor Jonvic Remulla at ₱300,000 mula kay Senator Ramon Revilla, Jr.) ang ₱300,000 mula sa Dasmariñas City government, ₱100,000 mula sa personal na pera ni Dasmariñas City Mayor Jennifer Narvaez Austria-Barzaga at ₱100,000 mula sa nasabing kongresista.

Layunin ng pabuya na mapabilis ang pagtukoy at pagdakip sa isang lalaking suspek na nahagip ng closed-circuit television (CCTV) camera bago tumakas nitong Martes ng madaling araw.

Natagpuan ang bangkay ni Queen Leanne Daguinsin, 24, computer science student, taga-Pila, Laguna, sa loob ng inuupahang Rolisa Dormitory sa Brgy. Sta. Fe, Dasmariñas City ilang oras pagkatapos ng krimen.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nanawagan din ang kongresista sa publiko na makipag-ugnayan sa Dasmariñas City Police Station o pinakamalapit na presinto sakaling makita o may nalalaman sa pinagtataguan ng suspek.

Nauna nang nangako ang Cavite Police Provincial Office na hindi sila titigil hangga't hindi nalulutas ang kaso