Nasa 29 na ang nasawi sa nasunog na M/V Lady Mary Joy 3 sa karagatang sakop ng Baluk-Baluk Island sa Hadji Muhtamad, Basilan nitong Miyerkules ng gabi.

Sa pahayag ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Huwebes, 18 sa naturang bilang ang narekober sa loob ng barko habang 11 naman ang natagpuan sa dagat.

Kabilang din sa mga nailigtas sa insidente ang 36 na tripulante ng barko.

Matatandaang biglang lumiyab ang barko habang naglalayag patungong Jolo, Sulu mula sa Zamboanga City sakay ang mahigit 200 pasahero sa bahagi ng Baluk-Baluk Island nitong Marso 29 ng gabi.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol