Umakyat na sa 12 ang nasawi sa nasunog na barko sa karagatang sakop ng Baluk-Baluk Island sa Basilan nitong Miyerkules ng gabi.

Sa isang television interview, sinabi ni Basilan Governor Hadjiman Hataman Salliman, ang mga bangkay ay natagpuan sa nasunog na M/V Lady Mary Joy 3.

Umabot naman sa 195 ang nakaligtas at dinala sila sa Camp Navarro General Hospital sa Western Mindanao at sa Zamboanga City Medical Center dahil sa mga paso sa kanilang katawan.

Sa report ng Philippine Coast Guard (PCG), biglang lumiyab ang barko habang naglalayag mula Zamboanga City patungong Sulu sakay ang mahigit 200 na pasahero, sa bahagi ng Baluk-Baluk Island, Hadji Muhtamad nitong Marso 29 ng gabi.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Kaagad namang nagresponde sa lugar ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard na naka-base sa lugar,  Philippine Navy at Provincial, Municipal, City Disaster Risk Reduction Management at nagsagawa ng search and rescue operation.

Iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad ang insidente.

May dagdag na ulat nina Liza Jocson at Jun Fabon