Ibinahagi ng UP Marine Science Institute (UP MSI) nitong Miyerkules, Marso 29, na patungo sa mga kalapit na baybay-dagat ng Naujan, Pola sa Oriental Mindoro ang oil slicks mula sa lumubog na MT Princess Empress sa Oriental Mindoro.

Sa pahayag ng UP MSI, binanggit nito ang pinakabagong ulat ng US National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA) na base sa satellite image na kinuha noong Marso 28, dakong 10:15 ng umaga.

“The slicks floating in the area around the sunken tanker show that oil was still leaking out as of yesterday, March 28,” saad ng UP MSI.

“Oil spill trajectories for March 25-April 3 forecasts that the spill may be headed for Pola, Naujan, and along the coast to Calapan, Oriental Mindoro,” dagdag nito.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Matatandaang lumubog ang nasabing MT Princess Empress, na may kargang 800,000 industrial fuel oil, sa karagatan ng Naujan, Oriental Mindoro noong Pebrero 28.

Naapektuhan na umano nito ang ilang baybay-dagat sa mga probinsya ng Oriental Mindoro, Antique, Palawan at Batangas.

BASAHIN: Sektor ng pangisdaan, nawawalan ng ₱5M kada araw dahil sa oil spill – BFAR