NUEVA ECIJA -- Nasamsam ng awtoridad ang hindi bababa sa ₱558,600 kabuuang halaga ng iligal na droga habang tatlong tulak naman ang arestado sa isinagawang anti-criminality operations sa probinsya, ayon sa ulat nitong Huwebes. 

Base sa mga ulat na isinumite kay Provincial Director Col. Richard Caballero, naglunsad ng anti-illegal drug buy-bust operation ang operatiba ng Gapan City Police sa Brgy. Bayanihan, Gapan City.

Nagresulta ang nasabing operasyon sa pagkakaaresto ng dalawang tulak at nasamsam ang hindi bababa sa 82 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may estimated drug value na ₱557,600.00

Samantala, parehong operasyon ang isinagawa sa Brgy. Poblacion, Aliaga, Nueva Ecija, na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang lalaking suspek at nakuha sa kaniya ang 0.09 gramo ng umano'y shabu na may DDB value na ₱1,000.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Mahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspek.