I’m A-OK. I will do some shadowboxing tomorrow.

Nakangiti habang nakahiga, ito ang sinambit lang ni Senator Ramon ‘’Bong’’ Revilla Jr, matapos sumailalim sa laparoscopy para alisin ang kanyang gall bladder na may mga bato sa loob.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Revilla na sumailalim siya sa operasyon sa St. Luke Medical Center sa Taguig City madaling araw ng Lunes, Marso 27.

Ipinagmamalaki niya na taglay niya pa rin ang ‘agimat’ para kayanin ang medikal na operasyon.

National

Benhur Abalos, bumisita kina Ex-VP Leni sa Naga; nag-donate sa typhoon victims

Noong nakaraang linggo, sinabi ni Revilla na naramdaman na niya ang matinding pananakit ng tiyan habang nasa Senado kung saan tumaas ang presyon ng dugo dahilan para siya isugod sa ospital.

Itinuturo namn ng movie action star ang kanyang kondisyong medikal sa kanyang pagkain ng ‘chicharon’ at mga oily foods.

Nasa tabi ng kanyang kama ang kanyang asawa, si Cavite Rep. Lani Mercado Revilla.

Aniya pa, sinadya niyang huwag isapubliko ang kanyang kondisyong medikal.

Dahil nahawa na siya ng Covid-19, kinailangang gumamit si Revilla minsan ng spyrometer para sa kanyang breathing exercise.

Mario Casayuran