Sinuportahan ni Philippine National Police (PNP) chief,Gen. Rodolfo Azurin, Jr. ang desisyon ngQuezon City-People’s Law Enforcement Board (PLEB) na sibakin sa serbisyo ang isang dating opisyal ng Quezon City Police District (QCPD) kaugnay sa kinasasangkutan na hit-and-run case noong nakaraang taon na ikinasawi ng isang tricycle driver.

“As always, the PNP has been actively implementing internal cleansing programs to continuously cleanse its ranks of misfits. We support the ongoing proceedings in relation to this case and will respect whatever decision the appropriate disciplinary body will come up with until it reaches finality while also affording due process to those involved,” pahayag ni Azurin nitong Miyerkules.

Binanggit ni Azurin, tinanggal sa serbisyo si Abong sa reklamong administratibo.

Bukod kat Abong, anim na buwan namang suspensyon ang ipinataw kinaCol. Alexander Barredo, dating hepe ng QCPD Station 3, Corporal Joan Vicente at Senior MasterSergeant Jose Soriano, kapwa imbestigador at nakatalaga rin sa Station 3.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa rekord, hindi inaresto ng grupo ni Barredo si Abong pagkatapos ng insidente at sa halip ay pinabayaang makatakas.

Nag-ugat ang usapin nang magharap ng kaso ang mga kapatid ng tricycle driver na si Joel Laroa na nasawi matapos mabangga ng sasakyang minamaneho ni Abong ang sinasakyang tricycle sa Anonas Road, Quezon City noong Agosto 6.

Philippine News Agency