Umabot na sa ₱1.7 milyon ang pabuya laban sa dalawang suspek sa pagpatay kay San Miguel, Bulacan Police chief, Lt. Col. Marlon Serna kamakailan.

Sa social media post ng Bulacan Police Provincial Office, nasa ₱500,000 ang idinagdag ng San Miguel local government mula sa dating ₱1.2 milyon.

Ang dating ₱1.2 milyong pabuya ay mula sa Department of the Interior and Local Government (₱500,000), Police Provincial Office 3 (₱300,000), hepe Philippine National Police (₱200,000), at sa opisina ni Bulacan Governor Daniel Fernando (₱200,000).

Nauna nang inihayag ng DILG na mapupunta ang pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa ikaaresto ng mga suspek sa krimen.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Matatandaang nagresponde ang grupo ni Serna umano'y naganap na robbery incident sa Barangay San Juan, San Miguel nitong Sabado.

Gayunman, sinalubong sila ng mga putok ng baril na nagresulta sa pagkasawi ni Serna, ayon sa police report.