Natawa at nagulat na lamang ang Kapamilya star na si Lovi Poe matapos masilayan ang kaniyang "birthday tarpaulin," para sa karakter na ginagampanan niya sa patok na action-drama series na "FPJ's Batang Quiapo."

Sa istorya, magdiriwang ng kaniyang 18th birthday si "Mokang" kaya naman iniraos ng kaniyang mga magulang ang debut party, na ginagampanan nina Pen Medina at Susan Africa.

Ibinahagi ni Lovi ang litrato ng tarp at itinag dito si Ping Medina na isa rin sa mga aktor sa serye.

"Kuya @pingmedina, birthday ko kasi 'di ba? Bakit naman parang kukunin ako ni Lord nito? Sa langit ba debut ko? LOL 😂 #FPJsBatangQuiapo," caption ni Lovi.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Nagkomento naman dito si Ping, "Maligayang 40th day Mokang."

Si Lovi ay leading lady ni Coco Martin sa naturang serye.