Bumisita si Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Rodolfo Azurin, Jr. sa lamay ni San Miguel, Bulacan Police chief Marlon Serna sa Sta. Rosa, Nueva Ecija, nitong Miyerkules ng gabi.

Sa nasabing pagkakataon, ginawaran ni Azurin ngposthumousaward si Serna dahil sa ipinamalas na katapangan sa pagtupad ng kanyang tungkulin matapos tugisin ang dalawang armadong suspek sa naganap robbery incident sa Barangay San Juan, San Miguel, Bulacan nitong Sabado.

Napatay si Serna sa nasabing operasyon matapos barilin ng dalawang suspek.

Nakiramay din si Azurin sa pamilya ni Serna na umaasang makakamitang hustisya sa pagkakapaslang sa nasabing opisyal ng pulisya.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Kasama rin ni Azurin na nagtungo sa lamay ni Serna si Police Regional Office 3 (PRO3) director Brig. Gen. Jose Hidalgo, Jr.