Patay ang isang barangay kagawad ng hindi pa nakikilalang gunman sa kahabaan ng Halili Avenue sa Barangay Bagbaguin, Sta Maria, Bulacan nitong Miyerkules ng umaga, Marso 29.

Kinilala ang biktima na si Aldrin Ativo Santos, isang barangay kagawad ng Barangay Poblacion 2, Marilao, Bulacan.

Ang hindi pa nakikilalang suspek ay nakasuot ng puting jacket na may guhit na asul, puting helmet, at short firearm.

Hindi pa matukoy ng Bulacan police ang motibo ng insidente ng pamamaril ngunit tinitingnan na ang may kinalaman sa trabaho bilang isa sa mga posibleng anggulo dahil aktibo ang biktima sa serbisyo publiko ng barangay.

Eleksyon

'Half-human, half-zombie' 'Rastaman', kakandidato bilang senador; pabor sa e-sabong

Freddie Velez