San Fernando CITY, Pampanga – Arestado ng pulisya ang isang hinihinalang tulak ng droga sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Malabanias, Angeles City, Pampanga noong Linggo, Marso 26.

Ang suspek na si Christopher Castaneda, alyas “Topey,” ay itinuring na high-value individual.

Si Castaneda ay isang miyembro umano ng Sputnik Gang.

Nakuha sa kanya ang dalawang knot-tied transparent plastic packs na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 100 gramo na may street value na P680,000 at ang P14,000 buy-bust money.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Inaresto ang suspek matapos ang ilang araw ng surveillance.