BACOLOD CITY - Arestado ang isang pari na wanted sa krimeng panggagahasa sa Barangay Estefania dito noong Lunes, Marso 27.

Itinago ng pulisya ang pangalan ng 62-anyos na suspek na tubong Looc, Romblon.

Sinabi ni Sagay Police Chief Lt. Col. Roberto Indiape Jr. na ang biktima, na isang menor de edad, ay nagsabing siya ay ginahasa ng pari noong nakaraang taon.

Ang biktima ay miyembro ng choir sa isang Simbahan sa Sagay City, ayon sa Indiape.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Batay sa ulat ng pulisya, ang warrant of arrest na walang inirekomendang piyansa ay inilabas ni Executive Judge Reginald Fuentebella ng Regional Trial Court (RTC) Branch 73 sa Sagay City noong Marso 7, 2023.

Glazyl Masculino