Para sa 27-anyos na Kapuso actor, ang showbiz industry ay isang “people industry” na kaniyang natutunan sa ilang taon pa lang na career.

“You have to be nice to everybody kasi it’s a people industry. Kailangan mo talagang maging mabait sa lahat ng mga tao—from the production, to the directors, to the actors. Although I feel like in every industry naman kailangan mong maging mabait talaga sa lahat ng tao,” pagbabahagi ni David Licauco sa kaniyang natutunan sa industriya sa naging panayam kay Ogie Diaz nitong Lunes.

Dagdag niya ang pasensya aniya na dapat ay matutunan ng mga nangangarap na maging maningning na stars din sa hinaharap.

“I don’t really believe in destiny. I believe in hardwork and being persistent in what you do. So sa lahat ng mga may pangarap, like you can’t just wait for your perfect break. It’s really up to you kung gaano ka kasipag; if you put in the work, if you keep on learning every single day. For me, youu create your own destiny,” sey ng Kapuso star.

Relasyon at Hiwalayan

Mavy masaya para kina Kyline, Kobe

May payo naman ang aktor sa mga nakararanas ng mga negative thoughts these days.

“You have to be self-aware. If negative thought pops up like you just have to stop it na. Kasi kapag pinagpatuloy-tuloy mo pa ‘yung negative thoughts, mapupunta ka na dun sa state na sobrang depressed ka na and [anxious],” paliwanag ni David.

Dagdag niyang tip: “Meditation really helps. Kasi when you meditate, you stay in the present moment.”

Bahagi ang meditation sa everyday routine ni David kontra-negative thoughts.

“Overthinking, it really kills,” aniya.

Basahin: David Licauco, na-diagnose ng isang uri ng sleeping disorder: ‘Binabangungot ka all night’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Para naman alagaan ang kaniyang mental health, consistent na pag-iisip lang ng mga good thoughts kasabay ng healthy lifestyle ang serkreto ng aktor.