San Fernando, Pampanga -- Timbog ang isang High Value Individual (HVI) sa isinagawang anti-illegal drug operation ng awtoridad sa Brgy. Malabanias, Angeles City, Linggo, Marso 26.

Kinilala ang HVI na si Christopher Castañeda, alyas 'Topey,' at miyembro ng Sputnik Gang.

Nasamsam sa kaniya ang dalawang transparent plastic packs na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na 100 gramo at may street value na ₱680,000.00 at ₱14,000 marked money.

Ayon sa ulat, naaresto si Castañeda matapos ang ilang araw ng pagmamatyag. 

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol