Ibinahagi ng aktres na si Maja Salvador ang kaniyang saloobin sa kumakalat na “rebranding” ng longest-running noontime show na Eat Bulaga.

“Kahit sa moon,” ito ang naging pahayag ng aktres sa isang press conference ng talent management na Crown Artist Management nang tanungin sa kumakalat na balita sa naturang noontime show.

Dahil sa chikang aalis sa show ang “TVJ” o sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon hinggil sa umano’y gulo sa loob ng Eat Bulaga.

Nang tanungin nga ang aktres kung gusto niya pa bang manatili bilang Kapuso kung sakali, ay agad na sumagot ang aktres ng, “Yes, yes! Kung ano man po yan basta kung ano pong kailangan n’yo sa akin at makakapagbigay tayo ng isang libo’t isang tuwa ika nga. Kahit sa moon pa!”

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Binigyang linaw ng aktres na sasamahan niya ang “Dabarkads” saan man ito makarating.

Sa kasalukuyan ay busy ang aktres dahil sa nalalapit nitong kasal sa jowang si Rambo Nunez ngayong darating na Hulyo.