Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang probinsya ng Ilocos Norte nitong Martes ng hapon, Marso 28, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 1:51 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 56 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Burgos, Ilocos Norte, na may lalim na 12 kilometro.

Naramdaman ang Intensity IV sa Pasuquin, Bacarra, City of Laoag, Carasi, Burgos, at City of Batac, lLOCOS NORTE.

Naitala naman ang Intensity I sa Sinait, ILOCOS SUR.

Samantala, naitala ng Phivolcs ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity III - Batac, Pasuquin, and City of Laoag, ILOCOS NORTE

Intensity I - Sinait, ILOCOS SUR

Wala naman umanong inaasahang posibleng aftershocks.

Hindi rin inaasahan ng Phivolcs na magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.