Natawa na lang si Nadine Lustre sa tanong kung kaya ba talagang mag-work ang isang friends-with-benefit na klase ng relasyon nang walang potensyal na gulo. Kaniyang payo, medyo masahol!

“Is there really a way you make a friends-with-benefits setup not messy?” Ito ang isa sa tanong sa multimedia star sa panibagong content ng Cosmopolitan Philippines sa YouTube nitong Martes, Marso 28.

Pinagbasehan ng aktres sa kaniyang payo? Kaniyang friends!

Kilala ang friends-with-benefits bilang relasyon sa pagitan ng magkaibigan na umaabot sa sex, ngunit ang kaso, walang label, commitment o anupaman. Keri mo ba?

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“I don’t know. Based on all the stories I’m hearing from friends, it’s really messy. I’m sorry but it gets really messy especially if you’re friends-with-benefits, it’s hard for another person not to in a way, baka ma-fall, may ma-fall sa isa sa inyong dalawa. That could make the whole dynamic messy,” sey ni Nadine.

Segunda niya, “Or ‘yung isa sa inyo, mayroong isang type or bet. They also have a thing. That’s also really difficult kasi syempre, pwedeng magselos. Or ikaw, kunwari, may magustuhan na iba. Pwedeng may selosan kasi and that makes everything complicated.”

“Ang hirap kasi you don’t know how to feel. You can’t demand because you’re not in a relationship at sasabihin mo rin sa sarili mo na, ‘Am I allowed to feel these emotions?’” pagbibigay ng senaryo nhg aktres.

Aminado namang nahirapan sa kaniyang paliwanag si Nadine bilang patotoo nga na magulo nga ang mismong notoryus na relasyon.

Sa huli, may solusyon naman si Nadine sa mismong tanong, may kahirapan nga lang kung susumahin.

“The only way for you to not make it messy is to not have feelings for each other. As in dapat no strings attached dapat kayo d'yan. As soon as nararamdaman mong nafa-fall ka na, you have to make sure that this is clear,” saad ng aktres. Sahol!

“Kung na-fa-fall naman din siya sa’yo, edi why not you know might as well try. But if friends with benefits lang talaga kayo make sure there is no emotions in there,” pagtatapos niya.

Narito pa ang ilang relationship advice ng aktres sa ilan pang juicy na katanungan sa segment na ito: