Marami ang naantig at naka-relate sa batang si "Kulot" na tampok sa segment na "Isip Bata" ng noontime show na "It's Showtime" matapos mapaiyak ang bata sa tanong at kuwentuhan nila ni Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda at iba pang hosts, tungkol sa tatay nito.

Tungkol ito sa kaniyang tatay na aniya ay maraming ka-text na ibang babae.

Sey naman ng hosts, baka mga katrabaho o kaibigan lamang ito ng kaniyang tatay.

Emosyunal na binanggit ni Kulot na ang ka-text ng tatay niya ay nagngangalang "Barbie."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Love mo naman ang Itay, ano?" untag ni Vice Ganda.

"Oho," naluluhang sagot ni Kulot.

"Sinasabi mo ba kay Itay kung gaano mo siya kamahal? segunda pang tanong ng TV host-comedian.

"Hindi ho," tugon pa rin ni Kulot.

"Minsan sasabihin mo, masarap 'yun sa damdamin kapag nasasabi mo sa Itay na mahal mo siya. Gusto mo bang sabihin sa Itay 'yon?" payo-tanong ni Vice.

"Huwag na ho," giit pa rin ng bata.

Mangiyak-ngiyak din dito ang host na si Anne Curtis dahil siyempre, isa na rin siyang ganap na ina.

Sa comment section ng TikTok video kung saan mapapanood ito, marami sa mga netizen ang nagmungkahing kailangan sigurong dumaan sa counseling ang bata, dahil sa murang edad nito ay bantad na ito sa mga nangyayari sa kanilang pamilya.