Dahil sa tagumpay ng Maria Clara at Ibarra kung saan tinangkilik ng marami ang tambalang "Fidel" at "Klay," maraming fans ang nais makita sa iba pang projects sina David Licauco at Barbie Forteza. Pero wala nga bang selosan na nagaganap sa boyfriend ng aktres na si Jak Roberto?

Ito ang rektang tanong ng talent manager na si Ogie Diaz nang makapanayam na sa wakas ang Kapuso actor sa kaniyang YouTube channel nitong Lunes, Marso 28.

Nahihiya nga ba si David kay Jak Roberto ngayong laging nakakasama si Barbie sa ilang commercial projects, mall shows bukod sa iba pa?

“I feel like maiintindihan naman ni Jak ‘yung situation kasi artista rin siya. Siguro kapag hindi siya artista, I’m pretty sure na magseselos siya sa ganun kasi hindi niya alam ‘yung situation sa industry,” ani Jak.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Tiyak din ang aktor na secure sa kaniyang sarili ang nobyo ng kaniyang ka-loveteam.

“Mabait na tao si Jak, [at] masipag siya. I feel like he is secure naman with himself. I don’t think that’s an issue. I mean, at least for me. Hindi ko alam kung meron silang ganung klaseng issue but I don’t think so,” dagdag niya.

Diretsang segunda ng manager: “Wala naman bang selosan sa part ni Jak?”

“Hindi ako sure. Hindi ko alam,” sagot lang ni David na ikinatawa ni Ogie at gumatong ng, "Sana wala."

Samantala, nauna nang sinabi ni Barbie na habang grateful siya sa success ng “Filay” o “BarDa” loveteam ay nananatili naman siyang loyal sa longtime partner na si Jak.

“Aside from David, I’ve been paired with other GMA leading men na naging kaibigan ko rin naman talaga. I cherish my friendships with them and so sabi ko nga kahit napaka-unexpected ng success ng FiLay, hindi ko naman makakalimutan yung lalaking nagpasaya sa akin for the past five years and still counting,” ani Barbie noong Enero.

"Yung lalaking kasama ko noong pandemic na natatakbuhan ko ng personal struggles ko. The one who I share my victories and struggles with. Kumbaga in-accept niya ako ng buong-buo and ganun din ako sa kaniya.”

“Hindi ko naman makakalimutan yun because of FiLay,” paliwanag pa ni Barbie.

Sa parehong paraan ay ipinagpapasalamat din ng Kapuso actress ang natagpuang friendship sa katauhan ni David.

“But then I’m so grateful for this blessing and success with David right now. We’ve very good friends and to be honest, dito lang kami sa Maria Clara at Ibarra naging close dahil pareho kaming introvert. Nagpapasalamat ako dahil sa FiLay, I gained a new friend. Ang dami kong natututunan sa kaniya in terms of business,” sey noon ni Barbie.

Samantala, latest project naman ng dalawa ang pagbida sa trending na music video ng “The Way You Look At Me” Ben&Ben version na kinakiligan muli ng fans.

Basahin: Certified trending! ‘BarDa’ tampok sa MV ng ‘The Way You Look At Me’ Ben&Ben version – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid