Matatandaang nito lamang Sabado, Marso 25 nagbukas ang resto ng motivational speaker at social media personality Rendon Labador. Ngayon araw, Lunes, pansamantalang isinara niya ito.

Ayon kay Rendon, uulitin na lamang niya ang grand opening ng kaniyang resto at babawi na lamang siya sa susunod.

Eleksyon

'Half-human, half-zombie' 'Rastaman', kakandidato bilang senador; pabor sa e-sabong

"Uulitin ko nalang ang grand opening. Sana masaya lahat ng Coco fans sa nangyari.

I will struggle. I will fall down. But I will always rise back up. AND I’LL BE STRONGER THAN BEFORE. #stayMotivated."

Una nang sinabi ni Rendon na kaya walang bumili ng ticket ay dahil lahat ay tagasuporta ni Coco Martin.

BASAHIN: Rendon Labador, dismayado sa grand opening ng resto: ‘Fans ba lahat kayo ni Coco?’

Pagkatapos naman ng kanilang opening, ibinahagi naman ni Rendon ang sa tingin niyang dahilan kung bakit "nilangaw" ang opening ng kaniyang resto.

BASAHIN: Fans ni Coco, palamunin? Rendon, ibinahagi ‘Sunday realization’ kung bakit flopsina ang event