Nag-alok ang pamilya ni Darlene Luzelle Uy, ang nawawalang 22-anyos graduating student mula sa Samar State University (SSU), ng ₱250,000 reward sa makapagbibigay umano ng impormasyon sa kaniyang kinaroroonan.

Matatandaang naiulat na nawawala si Uy noong Miyerkules, Marso 23, matapos umano siyang nagpaalam na umalis sandali sa Catbalogan I Central Elementary School, kung saan siya na-deploy bilang student-teacher, ngunit hindi na nakabalik.

BASAHIN: Graduating student sa Samar State U, naiulat na nawawala

Sa ulat ng Manila Bulletin, nanawagan si Ramonito, ang ama ni Darlene, na ipagbigay-alamsa kanila kung sino man umano ang nakakita sa kaniyang anak.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nagpahayag din ito ng mensahe kay Darlene na huwag umano siyang matakot umuwi kung sakaling mayroon siya kasintahan na hindi nila alam.

"Please come home. Your mother and I could not sleep well. I beg you,” panawagan ni Ramonito.

Kung sino man umano ang nakakita kay Darlene ay maaaring makipag-ugnayan sa SSU sa numerong (055) 530-0629 o kay sa ama nitong si Ramonito sa numerong 09165273354.