Kinumpirma ng kaanak na si Jerry Kasim, isang beteranong swimming coach, ang siyang nasawi sa Ironman 70.3 Davao race matapos itong atakihin sa puso habang ginaganap ang swimming course.

Inanunsyo ng event organizer na Alveo Ironman 70.3 nitong Linggo ng gabi, Marso 26, na isang kalahok ang nasawi habang ginaganap ang Ironman 70.3 race sa Azuela Cove, Davao City.

BASAHIN: Isang triathlete, patay sa Ironman 70.3 Davao race

Sa ulat ng SunStar Davao, ibinahagi ng nakababatang na si Sanita Kasim Soreny, isang dating miyembro ng national dragon boat team na nakabase ngayon sa United Kingdom, na ang kaniyang kuya Jerry, 49-anyos, na beteranong swimming coach nga ang siyang nasawi sa nasabing event.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Empleyado umano si Coach Jerry ng DepEd Davao City at nagpapatakbo ng kaniyang Jerry Aquatics Swimming Team.

Ayon kay Sanita, nagulat daw ang kanilang pamilya sa pagkamatay ng kaniyang kuya lalo na’t hindi raw nila alam na mayroon itong sakit na may kinalaman sa puso.

Nakatakda umanong ilibing si Coach Jerry nitong Lunes, Marso 27, alinsunod sa kaugalian ng Muslim tradition.

Ang nasabing Ironman 70.3, na binubuo ng 1.9 km-swim, 90 km-bike, at 21 km-run, ay nilahukan naman umano ng halos 1,700 mga atleta mula sa 46 iba’t ibang mga bansa.