Dream come true para sa online star at certified BLINK na si Zeinab Harake ang maka-attend sa concert ng iniidolong K-pop powerhouse BLACKPINK nitong Sabado, Marso 25.

Suot ang comfy na loose fit pink shirt, red cap at shorts, total fangirl moment ang peg ni Zeinab sa mga larawang ibinahagi sa kaniyang Instagram.

S'yempre, hindi naman kumpleto kung walang hammer lighstick ang online star na kaniyang bitbit din sa nasabing concert.

“Happy girl,💗🖤🥹” mababasa sa caption ng YouTube star sa naturang post.

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

Habang bumuhos naman ang pagbati sa dream come true moment ni Zeinab, at gayundin ang pag-sana all ng kaniyang maraming followers sa Instagram, isang comment ang agaw-pansin dahilan para masagot na ng mismong vlogger.

“Bakit lumaki ‘yung osus mo e dati naman wala hahahhaa,” sey ng isang netizen sa Instagram post ni Zeinab.

Pabirong hirit naman ng online star, “silicon lang sis, na-push sa sikip!”

Habang ipinag-kibit balikat lang ni Zeinab ang echoserang netizen ay ipinagtanggol naman siya ng ilang protective fans.

“Daming pakikialaman, pati ba naman yun?” talak ng isa niyang follower.

“Natural ‘yun pag-mommy ka!” segunda ng isa pa.

“Your dedication is unreal. You had enough time to create a fake account just tp say that? Wow!” litanya ng isa pang fan sa walang kaabug-abog na comment.

Depensa ng isa pang fan, nakuha lang umano sa anggulo ang tila enhanced na bogelya ni Zeinab sa larawan kahit natural lang naman kung ikukumpara sa iba pang larawan sa parehong post.

“Try niyo tignan ibang photos niya jan sa post wala ng osus sis. Mukha lang sa mga unang picture,” sey nito.

“It’s all about the angles,” segunda ng isa pa.

Gayunpaman, nagpagawa man o hindi, dapat nang maging malaya ang kababaihan sa kanilang mga pasya sa sariling katawan. 'Their body, their rules,' ikanga.

Sa halip ng negatibong pagpapamukha ay dapat na ipagdiwang ‘yan!

Happy Women’s Month!