Bumuwelta ang former Pinoy Big Brother o PBB celebrity edition winner na si Keanna Reeves sa naging blind item nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez sa kanilang “Showbiz Now Na” kamakailan lang.

Nagpupuyos sa inis ang komedyante na ibinahagi pa niya sa kaniyang TikTok ang mga sama ng loob.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Ang siste, 'ika ni Keanna sa mga ibinigay daw na clues ay halatang siya raw ang tinutumbok ng mga ito. Gaya ng komedyanteng taga-Timog, ang pangalang hango sa apelyido ng Hollywood actor at nag-uumpisa raw sa letter K ang pangalan. So obvious daw na siya ang tinutukoy sa blind item.

Ang kuwento sa blind item, mayroon daw isang komedyana na nagpakita raw ng kaangasan sa parking lot ng isang condo sa Timog. May kumain daw doon sa isang kainan na nag-park na nakaharang at sinita at tinalakan ng bida ng kanilang blind item dahil nga ipa-park ang kotse nito. Sinabi pa na wala raw parking sa condo si komedyana at baka raw walang pambayad kaya raw sa kalye ito nagpa-park. Doon umikot ang blind item na pati pagraket daw ng kakaiba ng komedyana ay ibinulong ni Romel Chika kay Cristy Fermin.

Hindi ito pinalagpas ni Keanna Reeves na mapapanood sa kaniyang TikTok videos. Sa unang video, inisa-isa nito ang hindi mga tugma raw na kuwento sa blind item.

“Nagbabayad kami ng monthly dues dito kaya allowed kaming magpapark dito kahit saan basta sa baba lang ng condo namin.”

Itinuro din ni Keanna ang lugar kung paano raw ang ginawang pagpapark ng taong kumain doon. Pinausog lang naman daw niya ito dahil ipapasok daw niya ang kaniyang kotse. Wala rin daw restoran sa lugar nila kundi barbeque-han. Suggestion ni Keanna na magresearch muna raw sila bago gumawa ng blind item. Giit pa niya pa na may trabaho raw siya kaya imposibleng wala siyang pambayad sa parking.

Nagsalita rin si Keanna sa tinutukoy nila Cristy sa blind item na mayabang.

“Hindi ako mayabang ayoko lang na binubully ako ng mga pangit kaya sumasagot ako. Hindi 'yon kayabangan. Ayoko lang pumayag na ganun ganurin ninyo ako kagaya ng ibang artista na binubully ninyo lang di ba. Hindi ako papayag, ang papangit ninyo tapos ang galing-galling ninyo mambully. Akala ninyo naman mga milyonaryo kayo. Akala ninyo naman mga nakamansyon kayo.”

Todo ang buwisit ni Keanna sa dalawang kasama ni Cristy Fermin, lalo na kay Romel Chika dahil sa kaniya nagmula ang kuwento ng blind item. Kung sinuman daw ang unang nagsumbong sa kaniya huwag naman daw sanang paniwalaan agad.

Pati old issue about kay Keanna ay kaniya ring binanggit.

“Ang yabang-yabang ninyo kumakain kayo sa issue ng ibang tao. Kumakain kayo sa paninira. Ako nagtatrabaho ako ng maayos pabulung bulong ka pa rumaraket ako ng ganoon. Ang old old naman ng issue mo diba wala bang bago? Lagi na lang ganyan. Magresearch kayo nakakahiya kayo. Ganyan ganyan yung trabaho ninyo pero kulang kayo sa research. Wala ba kayong mga staff diyan na puwede magresearch bago yung mauna yung magsumbong. Mag-ano muna kayo kung totoo ang sinasabi.”

Ipinakita rin ni Keanna ang kanyang ID para patunay na mayroon daw siyang matinong trabaho at isa raw siyang Marketing Head ng isang kompanya.

In fairness kay Keanna, sa tatlong video na nilabas niya sa TikTok, ilang beses niyang sinabi na nandiyan pa rin ang respeto niya sa nanay-nanayan niyang si Cristy Fermin pero ang dalawang sidekick nito ay wala raw siyang pakialam.

Yun na!