Isang solid fan ni Sarah Geronimo ang naiulat na nabiktima scammer matapos makipag-transaksyon online para sana sa ticket ng sold-out anniversary show ng Popstar Royalty sa Mayo.

Maraming masugid na fans ni Sarah G pa rin ang patuloy na nagbabakasakali na makakuha ng tiket para sa inaabangan nang 20th anniversary concert ng pop idol sa Araneta Coliseum.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Sa pagnanais namang makabili ng ilang Popsters ng tiket, ay maging online transactions ay pinapatos na ng mga ito, dahilan para ma-iscam na ang isa sa kanila kamakailan.

Ito ang mababasa sa Facebook update ng official Popsters matapos magsumbong at magbabala na ang isang follower laban sa umano’y scammer.

Sa mga screenshot na ibinahagi, natangayan ng mahigit halagang P13,000 ang naturang Popster ng scammer na bigla na lang umanong hindi makontak.

Babala ng fan club sa lahat: “Makipag-video call sa seller bago magsend ng pera para maverify if legit yung ID's na sinesend.”

Ilang Popsters din ang ikinalungkot na lang ang balita.

Samantala, wala pa ring tugon ang producer ng concert sa hiling ng fans na dagdag na araw para sa anniversary concert ni Sarah G.