CABANATUAN CITY -- Nahuli ng pulisya sa lalawigang ito ang P384,000.00 halaga ng iligal na droga, at inaresto ang umano'y anim na tulak sa magkahiwalay na operasyon laban sa droga mula Sabado hanggang Linggo.

Sinabi ni Police Colonel Richard Caballero, Provincial Director, Nueva Ecija Provincial Police Office, na si alyas John, 40, ay nasakote sa inilunsad na drug bust operation ng mga otoridad sa Brgy. San Roque, Gapan City.

Nakuha mula sa suspek ang humigit-kumulang 56 gramo ng hinihinalang shabu na may estimate Dangerous Drug Board value na P380,000.00 kabilang ang P1,000 bill marked money, at siyam na P1,000 bill boodle money.

Samantala, arestado rin ang umano'y lider ng Martinez Criminal Group na si alias Raymund sa magkahiwalay na operasyon sa Brgy. San Juan Accfa, Cabanatuan City.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Humigit-kumulang 0.3 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang DDB value na P2,040, Cal .38 Revolver na may apat na bala, at P500 bill buy-bust money ang nasamsam sa suspek sa operasyon.

Apat na iba pang mga suspek ang nakorner ng mga awtoridad na may apat na gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana at 0.27 gramo ng shabu.

Lahat ng mga naarestong suspek, nasa kustodiya na ngayon ng operating units, ay sasampahan ng kasong Paglabag sa R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at R.A. 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition).