Patay ang isang lalaking senior citizen matapos mabangga ng isang pampasaherong bus ang minamanehong tricycle sa Solano, Nueva Vizcaya nitong Linggo ng madaling araw.

Dead on arrival sa Region 2 Trauma Medical Center si Mariano Saguiped, 67, at taga-Barangay San Luis, Solano sanhi ng matinding pinsala sa katawan.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng Victory Liner bus (body No. 7068) na hindi isinapubliko ang pagkakakilanlan.

Patungo na sana sa Cubao, Quezon City ang nasabing bus nang mabangga ang tricycle ni Saguiped sa national highway sa Brgy. Quirino, ayon kay Solano Police chief, Maj. Anthony Ayungo.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa lakas ng pagkakabangga, nawasak ang tricycle na nagresulta sa pagkasawi ni Saguiped.

Nahaharap na ngayon sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang driver ng bus.

Patuloy pang inimbestigahan ng pulisya ang insidente.