Isinapubliko ngCommission on Elections (Comelec) nitong Linggo na hinati na sa apat na lugar ang Barangay Muzon na nasa San Jose del Monte, Bulacan.

Ito ay nang manalo ang botong "Yes" sa idinaos na plebisito nitong Sabado, Marso 25.

Sa anunsyong Comelec, nasa 13,322 ang bumoto mula sa 43,771 kabuuang nakarehistrong botante.

Umabot sa 12,324 angpabor sa paghahati ng nasabing lugar, habang 969 naman ang tumutol.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

“Given this clear mandate from the constituency of Barangay Muzon, considered as the most populous area in the City of San Jose del Monte, the original barangay will henceforth be divided into four distinct and independent barangays, namely: Barangay Muzon Proper, Barangay Muzon East, Barangay Muzon West, and Barangay Muzon South,” paliwanag pa ng Comelec.