Sa kauna-unahang pagkakataon ay ibinahagi na ni Kapamilya actress Iza Calzado ang dalawang buwang gulang na supling nila ng mister na si Ben Wintle – si Baby Deia Amihan Calzado Wintle.

Matapos manganak noong Enero 26 ngayong taon, mapapansing hindi muna nagparamdam ang aktres sa publiko. Maging ang anunsyo ng kaniyang panganganak, ay hindi rin muna nalaman ng publiko.

Makalipas nga ang dalawang buwan ay pasilip na mumunting mga kamay at bahagi ng mukha ang unang nasilayan ng publiko kay "Baby Amihan."

Hindi naman kataka-taka kung bakit napasama ang "Amihan" sa pangalan ng unang supling ni Iza na kilala sa kaniyang 2005 iconic role sa orihinal na Encantadia bilang tagapangalaga ng brilyante ng hangin -- si "Amihan."

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Words can't describe the love we're feeling as we introduce our precious baby girl, Deia Amihan Calzado Wintle,” pagpapakilala ng aktres sa kaniyang anak nitong Linggo, Marso 26.

“Born on January 26th, 2023, she's already stolen our hearts and brought so much joy into our lives. We're so grateful for the love and support from our family and friends, and can't wait for all the adventures that lie ahead. Big love from our family to yours! ❤️” dagdag ng aktres.

Agad naman na bumuhos ang pagbati kay Iza at sa kaniyang mister sa kanilang opisyal na pag-welcome bilang new parens.

Kabilang sa mga bumati sa mag-asawa sina Anne Curtis, Darren Espanto, Pia Wutzbach, Carla Abellana, Bea Alonzo, Gabbi Garcia, Lovi Poe, bukod sa maraming iba pa.

Basahin: Iza Calzado, ‘di fan ng ‘gender reveal’ party para sa kaniyang baby: ‘Gender is an expression’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Noong 2022, una nang ipinagpasalamat ni Iza ang hindi inaasahang pagbubuntis sa edad na 40-anyos.

“They were right. Life does begin at 40. Simply put, your life begins as your mother turns forty. To know that life is growing inside me is great miracle. You are my miracle. You are my guiding light,” anang aktres noong Agosto 2022.

Congrats, Iza at Ben!