Umarangkada na nitong Sabado, Marso 25, ang plebisito para ratipikahan ang paghahati sa Barangay Muzon, sa San Jose del Monte (SJDM) City, Bulacan.

Sinabi ng Commission on Elections (Comelec), nasa 78 clustered precincts sa naturang barangay, na matatagpuan sa apat na Voting Centers para sa naturang plebisito, ang binuksan dakong 7:00 ng umaga.

Sa rekord ng Comelec, umabot na sa 43,771 rehistradong botante angmagdedesisyon kung raratipikahan ba o hindi ang Republic Act No. 11896.

Alinsunod sa naturang batas, hahatiin ang Muzon sa apat na barangay, na kinabibilangan ng Muzon Proper, Muzon East, Muzon West at Muzon South.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sakali umanong magwagi ang botong ‘Yes,’ magkakaroon na ang mga ito ng kani-kanilang territorial boundaries, sariling barangay officials, at mayroon na ring karapatan sa bahagi ng National Tax Allotment alinsunod na rin sa umiiral na Republic Act7160 (Local Government Code of the Philippines).

Sa datos ng lungsod, mahigit na sa 100,000 ang residente ng Muzon na inaasahang makikinabang sa epektibong serbisyo sakaling mahati sa apat ang lugar.