Iibahin ang celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo na hindi umattend kundi tila dinala ang concert nina David Foster at Katharine McPhee sa kaniyang sariling tahanan.

Ito ang “dream come true” moment para kay Belo nang tumugtog sa piano ang hitman na si Foster sa sarili nilang bahay.

View this post on Instagram

A post shared by Vicki Belo, M.D. (@victoria_belo)

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Just a casual Friday at home—@davidfosterand@katharinefosterjamming with our#piano✨” mababasa sa caption ng Instagram reel ni Belo nitong Biyernes.

Sa vocals naman ang kilalang American singer at misis ni Foster na si Katharine na buong-husay na inawit ang Nat King Cole classic na “Smile” at ang sariling 2010 hit song na “Terrified.”

Ikinaloka naman ng kapwa celebrities ang pa-“private concert” ng beauty doctor.

“Wow!!!” komento ng vlogger-mom na si Kryz Uy.

“Whaaaaaaaat 👏,” reaksyon naman ni Saab Magalona.

Tatlong yellow heart emoticons naman ang iniwan ni Morissette sa parehong Instagram reel ng doktora.

“The best day!” paglalarawan ni Katharine sa kaniyang komento sa IG post ni Belo.

"Such a wonderful day ninang@victoria_belo!!! 💖🥰👏🏻" komento rin ni Kapuso reporter Mariz Umali.

Basahin: Panourin: Kaloka! Morissette Amon, ‘naghalimaw’ sa concert ni David Foster – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nasa bansa ang mag-asawa para sa ilang concert series sa The Theatre Solaire tampok sina Morissette Amon, Martin Nievera, Daniel Emmet, at Pia Toscano.