Ibinahagi ng Philippine Coast Guard (PCG)-Batangas nitong Sabado, Marso 25, na maaari na muling isagawa ang leisure activities sa Verde Island matapos mapigilan sa pagkalat ang oil spill mula sa lumubog na MT Prince Empress sa Oriental Mindoro.

Sa inilabas na maritime advisory ng PCG-Batangas, ibinahagi nitong napigilan ng cleanup operation ng lokal na pamahalaan at iba pang volunteers ang pagkalat ng oil spill sa mga baybay-dagat ng Barangay San Agapito, Barangay San Agustin-Kankuran, Liponpon, at San Andres area sa Verde Island.

“Thus, swimming, diving, and other sorts of leisure activities are hereby resumed along the coastal waters of Verde Island,” anang PCG-Batangas.

Inabisuhan din nito ang lahat ng munisipalidad na makipag-ugnayan sa PCG Substations o sa pinakamalapit na barangay sakaling makakita umano sila ng mga bakas ng oil spill sa kanilang lugar.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Matatandaang lumubog ang nasabing MT Princess Empress, na may kargang 800,000 litro ng industrial fuel oil sa Naujan, Oriental Mindoro, noong Pebrero 28.