Camp Olivas, San Fernando City, PAMPANGA - Diretso sa kulungan ang isang Koreano at kasamang Pinay matapos dakpin sa buy-bust operation sa Angeles City, Pampanga nitong Biyernes.

Nahaharap na sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sinaJeuong Eung Il, alyas "Matt," 23, at Maureen Ocampo, 26, kapwa taga-Barangay Margot, Angeles City.

Sa paunang pagsisiyasat ng mga awtoridad, ang dalawa ay inaresto saDeca Wake Park, Deca Homes Residences, Brgy. Margot nitong Marso 24.

Sinabi ng pulisya, pakay ng kanilang operasyon si Eung Il at inaresto na lamang si Ocampo dahil kasabwat umano ito sa kanyang iligal na gawain.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nakumpiska sa operasyon ang dalawang canister na naglalaman ng pinaghihinalaang kush o high grade marijuana.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang kaso.