Mahigit sa ₱4.9 milyong iligal na sigarilyo ang hinarang ng mga awtoridad sa karagatang sakop ng Zamboanga City kamakailan.

Sa pahayag ng Bureau of Customs (BOC), apat na tripulante ng bangkang pinagsakyan ng 141 kahon ng sigarilyo ang inaresto sa operasyon.

Bago ang operasyon, nakatanggap ng impormasyon ang BOC hinggil saibibiyahengpuslit na sigarilyo sa naturang lungsod.

Kaagad namang bumuo ng grupo ang BOC, kasama ang mga tauhan ng Port of Zamboanga-Enforcement and Security Service (ESS), Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), at Police 2nd Zamboanga City Mobile Force Company (2nd ZCMFC) at nagsagawa ng seaborne patrol operation.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Namataan ng mga ito ang nasabing bangka patungong Zamboanga City mula sa Parang, Sulu, sa bisinidad ng Barangay Arena Blanco at nang sitahin ay nabisto ang kahon-kahong iligal na sigarilyo.

Nahaharap na sa patung-patong na kaso ang apat na tripulante na hindi na isinapubliko ang pagkakakilanlan.