Ibinahagi ng aktres na si Yassi Pressman na maging siya ay nagulat umano nang malaman ang relasyon nina James Reid at kaniyang kapatid na si Issa.

Sa isang mediacon ng comedy series na “Kurdapya,” ani ng aktres, “Nagulat din po ako, sabay-sabay po tayo.”

Ito ay matapos ang isyu ng “soft launch” ng relasyon ng kaniyang kapatid kay James na umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens.

“Noong sinabi po sa ‘kin ‘yun recently, hinayaan ko na lang po nag mag-decision ‘yung mga tao. They’re old enough to make their own decision naman po.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Lahat po ng tao may choice. At kung walang ibang tao namang tinatapakan, feeling ko wala naman pong problema,” dagdag pa ng aktres.

Nang tanungin naman kung anong lagay na nga ba ng friendship nila ni Nadine Lustre, “Okay po kami. Okay rin po ‘yung buong pamilya namin at siyempre po, bago po nag-public ang lahat, lahat po naasikaso in private.”

“So, lahat po walang problema,” depensa ng aktres.

“Just don’t agree with people making fake conspiracies only to hurt other people. Let’s stop being only opinionated, try harder to be educated with facts."

Sa kasalukuyan ay busy ang aktres ngayon sa shooting ng bagong sitcom na “Kurdapya” na unang ipinalabas noong Marso 18, kasama sina Marco Gumabao at Nikko Natividad.