Ang isa sa pinakainaabangang convention ng mga Korean pop icon sa iba't ibang henerasyon na "EPICON"—na gaganapin sana sa Abril 1— ay kanselado dahil sa "hindi inaasahang mga pangyayari."
Ang organizer ng nasabing concert na Neuwave Events and Productions ay naglabas ng pahayag na humihingi ng paumanhin para sa abalang dulot ng kanilang desisyon na ilipat ang kaganapan sa ibang petsa.
"We regret to inform you that EPICON, which is set to happen on April 1 at the SM MOA Concert Grounds, has been postponed to another date. We made this difficult decision due to unforeseen circumstances."
"We are deeply sorry for the incovenience caused by this decision. From the very start, we did our best to make this EPICON happen,and we planned to give a great concert experience to everyone. However, the circumstance we are now in is beyond our control."
Hindi naman nagbanggit ang organizer ng tiyak na petsa para sa concert.
Una na nitong inanunsyo na kanselado rin ang pre at official ticket selling na dapat ay sa Marso 18 at 19.