Tuloy pa rin ang pamamahagi ng emergency cash transfer (ECT) sa mga pamilyang naapektuhan ng oil spill sa bahagi ng Antique.

Paliwanag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Field Office VI, umabot sa 165 na pamilya na nasa SMPC Housing, Phase 5, Barangay Alegria, Caluya, Antique ang nabigyan ng tulong pinansyal nitong Marso 23.

Nilinaw ng DSWD, tumanggap ng tig-₱8,112 ang mga nasabing pamilya dahil nawalan sila pagkakakitaan matapos umabot sa lalawigan ang oil spill na nagsimula sa Naujan, Oriental Mindoro kasunod ng paglubog ng MT Princess Empress nitong Pebrero 28.

Bukod sa cash, patuloy din ang pamamahagi ng family food packs sa mga residente sa lugar, ayon pa sa ahensya.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol